ISSUE NOON, BIBIGYANG PANSIN NGAYON

Posted: July 1, 2013 in Uncategorized
Tags: , , , , , ,

Okay, so I was browsing my FB notes, looking for a certain post till I saw and read this. Can’t help but laugh.haha! Well anyway, I’d like to share it to you guys, Hope you enjoy reading. The scenarios were based from observations and stories found to be true and existent. 

 

MU- mutual understanding, mag-un (mag-on), murag uyab, mag uyab; name it! Karamihan sa mga kabataan ay dumadaan sa ganito. Isa ka ba sasamahan ng mga ganito ngayon? Baka may kaunting oras ka para basahin ito. Saglit lang, baka ika’y may matutunan. Kung wala naman, paki like na lang. Mga issue noon, bibigyan pansin na ngayon.

 

Issue #1: ANG PDA

Naglalakad sa mall, spoted ang MU. HHWWPSSP! Okay lang, sanay na kami makakita ng ganyan. It’s Sunday afternoon at ang daming tao. Naisipan mag sine at syempre, ang nakagawian ng mga lovers. Sa kasuluk-sulukan at kadilim-diliman, doon ang kanilang favorite na upuan. Paglingon mo sa gilid, hala! Nag kiss! Pag lingon mo uli, wala pa sila natapos, at paglingon mo uli, nawala na ata sila?! Halaaa! Ano kayang milagro ang ginawa nila?nyahahaha! ang ganitong insidente ay hindi lamang nakikita sa sinehan, mismong sa mga lugar na may kaliwanagan rin naman. Ganito na ba talaga ang henerasyon ngayon? Akala ko ba nasa conservative country tayo? Eh bakit ganito? Get a room guys! Pumili kayo ng lugar na walang batang tulad naming na nakakakita. Nakakaloka! Ano kayo? Nagshoo-shooting sa isang pelikula?heh

 

Issue #2: INFORMED CONSENT

Friend: pare, punta ka sa bahay mamaya ha. Birthday celebration ko.

Guy: sige pare, wait lang. (tinext si MU).. babe, birthday ni pareng ___, pwede ako pumunta

MU: huwag lang babe. Uwi ka na

Guy: ay pare, next birthday mo na lang ha, sorry, ayaw kasi ni babe

 

Ito ang isa sa pinakasikat na issue sa mag MU. Lahat ng lakad, lahat ng plano, kailangang ikumpirma sa MU mo. At pagsinabing hindi, kahit gaano mo pa gustong gawin, hinahayaan mo nalang dahil masyado kang masunurin. Daig niyo pa ang mag asawa. Paano na ang bonding moments mo sana sa iyong kabarkada? Isasantabi mo nalang ba parati dahil sa ayaw ng ka-MU mo? Hindi kailangang lagging magpaalam. Kailangan mo lang sigurong ipaalam. Huwag mong hayaan na parati siyang makialam dahil baka sa susunod na may lakad ka, wala na iyong kabarakada na samahan ka dahil pakiramdam nila, ka MU mo na lang ang may karapatan na samahan ka.

 

Issue #3: WAR OF THE WORLDS

 

Nakakatuwang tingnan ang mag MU kapag umaaway. Ito na ata ang best entertainment na pwede mong makita hindi lang sa TV kundi pati sa school, sa mall at pati narin sa daanan; kahit saan, walang pinipiling lugar, makapag away lang. May the battered, may the batterer. Basta! Ang saya! Para kang nanonood ng isang eksena sa pelikula; pero ito, totoo. Maaaring umaarte lamang ang isa sa kanila para makuha ang gusto, pero, wala na akong pakialam dun, basta, nakakaaliw silang panoorin noh! Try mo! Yun nga lang, bakit kailangan mag away sa harap ng maraming tao? Bakit kailangang magsigawan? Bakit kailangan magsakitan? Simpleng sampal, suntok at kurot ang ilan sa mga common manifestations ng nagaaway na mag MU.

Bakit naman kailangan makita ng mga tao ang proseso ng pag aaway niyo? Ang issue na pinaguusapan niyo na isinisigaw ninyo? At higit sa lahat, bakit kailangang madamay ang barkada ng bawat kampo kapag nangyari ito? May kinalaman ba sila sa away niyo? Kung wala, eh ano ang dahilan niyo? Sa akin lang, walang bagay na hindi nadadaan sa masinsinang usapan. Hindi kailangang mag iyakan. Ang O.A naman! At pakiusap lang, wag niyong idamay ang kabarkada niyo na walang kamuwang-muwang sa away niyo kasi, nakakasira ng araw ito. Bakit di ka nalang sumama sa kanila at magpakasaya, humalakhak ng sobra? Kesa lumayo sa kanila at maghabol habol sa ka MU mo dahil hindi mo maatim na hindi kayo magbati sa mismong minuto rin na nagaway kayo? Ang hirap talagang intindihin minsan ang disease process ng war of the lovers! Ainako!

 

Issue #4: MIGHTY BOND

 

Hindi na bago sa atin ang makita ang mag MU na magkasama bawat oras, bawat minuto, araw-araw, rain or shine, morning or night. Lalo na siguro kung magkaklase pa, magkatabi sa upuan, lab partners, quiz partners, assignment partners, lahat na yata na pwedeng mag partner, sila ang mag partner. Sobra-sobra naman atang bonding to! Di niyo lang ba naisip ang salitang “sawa”. Baka gusto niyong makilala si “law of diminishing marginal utility?” Minsan, kailangan din nating dumistansya. Hindi dahil sa ayaw mo na, nagsasawa ko na o galit ka. Hindi lang ang ka MU mo ang tao sa mundo. Hindi lang siya ang tao na nangangailan ng bonding moments kasama mo. Kinakailangan mo ring palawakin ang mundo mo at mangyayari lang ito kung kasama mo ang mga kaibigan mo. Hayaan mo lang na malayo ka naman minsan sa kanya. Para naman may kabuluhan rin ang salitang … “ i miss you”. Tandaan mo, ang ka MU mo, pag iniwan ka, wala na. Pero ang kaibigan mo, walang break up na pwedeng mangyari sa inyo. In short, mag away man kayo, may babalikan ka parin dahil unending ang salitang friendship alam mo ba yon? Walang masama sa mighty bond ninyo ng MU mo. Pero sana, mabigyan mo rin ng pansin at makapag mighty bond rin kasama ang kaibigan mo at higit sa lahat, ang pamilya mo.

 

Issue #5: THE GENTLE BAG

 

Habang magkasama kami ng mom ko, bigla niya nalang akong sinabihan: “nak! Wag mo talaga yan gawin kung magkauyab ka ha?” paglingon ko, nakita ko nalang,si guy, dala-dala ang shoulder bag ni girl! Pati pala si mom, nakakareact rin sa mga ganito. Over na ba sa pagka parasite si girl? O inggit lang si guy sa hand bag ni girl? I know to some, this is an act of being a gentleman. Pero naman! Ang ganda ganda ng outfit, nakashades, naka polo shirt, ang bango, sobrang gwapo pero ngek! Nakashoulder bag? Aba naman! Hindi mo na tuloy alam kung ka MU ba or sister niya! Hahaha! Think twice guys!

 

Ilan lamang ito sa mga obserbasyon tungkol sa makabagong relasyon na binigyang pansin ngayon. Trip trip lang, sorry sa mga matamaan. Hindi rin naman bitter ang may gawa nito dahil pag sinabi niyong ganon ako, isa lang ibig sabihin niyan, guilty kayo. Salamat sa pagbibigay ng oras para magbasa. Abangan ang susunod na kabanata 😀

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s