Senti rin pag may time

Posted: July 1, 2013 in Expression
Tags: , , , ,

Ikaw lang ang magandang lalake sa paningin ko,
Ikaw lang ang boses na laging gustong marinig ng tenga ko,
Ikaw lang ang nais makausap kahit minsa’y walang tulog na ako,
Ikaw lang ang nais makapiling sa buhay ko.

Hulog ka ng langit sa akin,
Ikaw ang anghel na muling nag pangiti ng lubos sa akin,
Pakiramdam ko ikaw ang hiling na pag-ibig na di ko akalaing darating,
Kung wala kang mahal, pwede na ba kitang angkinin?

Hindi ko lubos maisip ako’y muling nag sulat ng ganito,
Sapagkat sumusulat lang ako kapag tinotopak ako,
At marahil tinotopak nga ako, dahil tuluyan na atang lumambot ang puso kong bato,
Hindi mo alam pero ako’y natututo na muling magmahal para sayo.

Takot akong masaktan kaya’t minsan pinipigilan ko naman,
Pero alam ko ikaw yung tipo ng lalake na di ako kayang saktan,
Alam ko marami pa tayong pagdaraanan,
Pero pinapangarap ko na matapos non, ako’y susulat na ng ating magpakailanman. 💗

Advertisements
Comments
  1. KZ Riman says:

    “Hindi ko lubos maisip ako’y muling nag sulat ng ganito” – Love moves you in ways you do not expect, dear. Great poem!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s